NANUMPA NA | Karlo Nograles, handa nang sumabak sa kanyang bagong trabaho

349

Manila, Philippines – Inaasahan na ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles ang kanyang close working relationship kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong opisyal na siyang parte ng gabinete at ng Executive Department matapos siyang manumpa kahapon sa harap ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Nograles, kailangang magkaroon sila ni Pangulong Duterte ng close coordination lalo pa at may mga iikutin itong mga lugar at dadaluhang mga aktibidad.

Sinabi pa ni Nograles na kabilang sa kanyang magiging trabaho ay maghanda ng mga agenda sa mga gaganaping cabinet meetings, dalihan ang cluster meetings ng gabinete at magsilbing kinatawan ng Pangulo sa ilang nga pagkakataon at uupo din aniya siya bilang board ng National Economic Development Authority o NEDA.

Tiwala naman si Nograles na hindi na niya kailangan pang dumaan sa malaking adjustment sa kanyang mga kasamang gabinete ng Pangulo.

Paliwanag nito, lahat naman ng miyembro ng gabinete ay matagal na niyang kilala at kaibigan mula ng siya ay chairman pa ng House Committee on Appropriations kaya hindi na kailangan pa ng malaking adjustment.

Facebook Comments