NANUMPA NA | Senator JV Ejercito, lumipat na sa NPC

Manila, Philippines – Nanumpa na sa Nationalist Peoples Coalition o NPC si Senador JV Ejercito mula sa partido ng masang Pilipino na pinamumunuan ng kanyang ama na si Manila Mayor Joseph Erap Estrada.

Si Ejercito ay nanumpa kay NPC Senior Member at Senate President Vicente Sotto at sinaksihan din ng iba pang miyembro ng partido na sina Senator Sherwin Gatchalian at NPC Secretary General Dong Mendoza

Aminado si Ejercito, na mahirap para sa kanya na iwanan ang partido ng ama, bukod pa sa hindi din niya personal na naipagpaalam sa ama ang kanyang hakbang.


Sa pagkakaalam ni Ejercito ay masama ang loob ng kanyang ama pero kakausapin daw niya ito.

Tiwala si Ejercito na maiintindihan ng kanyan ama ang kanyang katwiran na hindi magandang tingnan na magkasama sa isang partido silang magkapatid na si dating Senator Jinggoy Estrada.

Sabi naman ni Senate President Sotto, tiyak ng kasama sa Senatorial line up ng NPC sina Senators Ejercito, Grace Poe, at dating Senator Lito Lapid.

Ayon kay Sotto, posibleng maging guest candidate din nila si dating sa Senator Jinggoy Estrada at ito ayon kay Senator JV ay okay lang sa kanya.

Facebook Comments