Napabalitang naililipat sa hangin ang COVID-2019, huwag paniwalaan ayon sa PSMID

Isang fake news ang mga lumalabas na airborne o naililipat sa pamamagitan ng hangin ang 2019 Novel Coronavirus. Ito ang nilinaw ni Dr. Edsel Salvaña ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases.

Ani Salvaña, maari lamang kumapit sa tao ang Coronavirus Disease (COVID-19) sa pamamagitan ng droplets mula sa taong may naturang sakit.

At ang taong iyon ay dapat na nagmula sa bansang may katulad na sakit tulad ng China.


Dagdag ni Salvaña, sa ngayon ay wala pang local transmission o Pilipinong may COVID-19 sa bansa.

Ang tatlong kumpirmado aniya ay mga Tsino na discharged na sa ospital.

Pinayuhan ng medical expert ang publiko na maging mapanuri dahil ang kakulangan ng tamang kaalaman ay lumilikha ng takot  dahilan upang hindi makagawa ng tugmang tugon ang tao sa gitna ng pangamba sa COVID-19.

Facebook Comments