Napag-usapan ng majority senators ukol kaugnay sa hatian ng committee chairmanship, idinetalye ni SP Sotto

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, naging maganda ang pulong ng majority senators sa bahay ni Senator Manny Pacquiao kagabi at naunawaan na ng lahat ang kahalagahan ng equity of the incumbent pagdating sa committee chairmanship.

 

Ini-offer ni Senator Panfilo Lacson ang pinamumunuan niyang Committee on Public Order kay Senator Elect Bato Dela Rosa.

 

Nais naman ni Senator Elect Bong go na makuha ang Committee on Health at Urban Planning, Housing and Resettlement na parehong bakante pati ang committee on sports na ngayon ay hawak ni Sen. Pacquiao.


 

Sabi ni Sotto, napagusapan na magiging Vice Chairman si Go sa iba pang komite na gusto nito.

 

Numero uno naman sa hiningi ni Senator Elect Francis Tolentio ang Committee On Local Government, habang si Senator Elect Imee Marcos naman ay gusto ang Committee on Social Welfare and Rural Development kaya sabi ni Sotto kailangan niyang kausapn muna si Senator De Lima na kasalukuyang chairman nito.

 

Planong ialok ni SP Sotto kay Senator Elect Pia Cayetano ang Committee on Ways and Means at Committee on Electoral Reforms.

 

si Senator Bong Revilla naman ay gusto ang Committee On Civil Service pati ang Committee on Public Information and Mass Media na gusto din ni Senator Elect Imee Marcos.

 

Handa si Senator Grace Poe, na bitiwan ang Committee On Public Information dahil nais niyang pamunuan ang Commitee On Banks na iiwanan ni Sen. Chiz Escudero habang patuloy niyang hahawakan ang committee on public services.

 

Kay Senator Lito Lapid naman ang Committee On Games And Amusement habang ang Committee On Foreign Relations ay kay Sen. Koko Pimentel.

 

Si Senator Nancy Binay ang hahawak ng Committee On Climate Change habang ang Committee On Finance ay mapupunta kay Senator Sonny Angara.

 

Binanggit ni Sotto na lumabas din sa kanilang pulong kagabi na intriga lang ang balitang ilalaban sa kanya si Senator Cynthia Villar para maging pangulo ng senado sa 18th Congress.

Facebook Comments