Manila Philippines – Nagkasundo ang mga senador na maninidigan laban sa isinusulong ng Kamara na joint session kung saan magkasamang magbobotohan ang mga Senador at Kongresista para sa Charter Change.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, napagkasunduan na i-expel o patatalsikin ang sinuman senador na dadalo sa nasabing joint session.
Ayon kay Drilon, kay Senator Panfilo Ping Lacson nagmula ang nasabing ideya at walang tumutol dito.
Binanggit pa ni Senator Nancy Binay, ang sinabi ni Senator Lacson na kapag natunugan na papunta pa lang ng Kamara ang sinumang senador para dumalo sa joint session ay agad na nila itong patatalsikin bilang miyembro ng Senado.
Ikinatwrian ni Lacson na maituturing na pagtatraydor sa Senado bilang institusyon ang pagdalo ng sinumang senador sa nasabing joint session.
Ipinaliwanag ni Lacson, na may mekanismong nakahanda para patalsikin ang isang senador tulad ng pagsasampa ng reklamo laban dito sa Senate Ethics Committee.