2 pulis Pasig na nasangkot sa panghoholdap, sinermunan ni NCRPO Chief Major General Eleazar

Kinilala ang mga suspek na sina PCPL Roy Duman-ag 27 y/o, ng Station Drugs Enforcement Unit o SDEU, Pat Arsenio Velardo 29 y/o,  SDEU at kasabwat na Janus Francisco Y Abas, 36 y/o, married. Police asset.

 

Ayon sa biktima na ayaw magpabanggit ng pangalan, nilapitan siya ng 3 lalaki at tinakot na tataniman ng shabu kapag pumalag.

 

Dito na kinuha ang wedding ring niya at cash na 850pesos sa bulsa.


 

Gamit ang baril tinutukan siya ng baril kaya’t agad ibinigay ang gamit sa takot na mapatay lalo’t may anak siya.

 

 

Nagpakilala aniya itong mga pulis pero dahil sa hindi siya naniwala kayat nagsumbong siya sa barangay.

 

Sa follow-up operation kasama ang police naaresto ang mga suspek at doon napag alamanan na totoong pulis ang mga nangholdap sa kanya.

 

 

Sa presinto napamura at halos mapatid ang litid ni General Eleazar kakasigaw sa galit.

 

Paliwanag nito halos di na sila natutulog para mapaganda ang imahe ng kapulisan pero dahil sa mga tiwaling pulis tila nababaliwala ito.

 

Kasong robbery at grave misconduct  ang isasampang reklamo sa mga suspek kung saan maari silang makulong ng 12 taon at may kaakibat na dismisal bilang pulis.

Facebook Comments