NAPAPANAHON NA │Halaga ng tax free bonus, pinatataasan

Manila Philippines – Pinatataasan ni Valenzuela Rep. Wes Gatchalian ang tax free bonus ng mga manggagawa.

Sa kasalukuyang P82,000 na tax free bonus ay nais ni Gatchalian na pataasin ito sa P100,000.

Bukod sa mas malaking cap ng tax free bonus, itinatakda ng panukala ni Gatchalian na patawan lamang ng 5% ang bonus na sobra sa 100,000 pesos.


Depensa ni Gatchalian, napapanahon na itaas ang halaga ng bonus na libre sa buwis dahil tumataas na din ang inflation o presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Nararapat lamang aniya na ma-enjoy naman ng mga empleyado ang mas malaking halaga ng kanilang pinaghirapan.

Facebook Comments