Gagawaran ng Department of Health ng “Bayani ng Kalusugan” award ang barrio doctor na si Dr. Dreyfuss Perlas, na nabaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspek noong Miyerkules.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial, may record ang ahensya ng naging accomplishment ni Perlas at mga testaments ng miyembro ng DOH executive committee na personal ding nakakakilala sa kanya.
Nagtapos si Perlas si West Visayas University taong 2011 at pumasok naman sa Villamor Hospital para sa kanyang post-graduate internship.
Dagdag pa ng DOH, mas pinili pa ni Perlas na maglingkod sa mga kababayan natin sa liblib na lugar ng Sapad, Lanao Del Norte kaysa manatili sa kanyang hometown sa Iloilo.
Ang Bayani ng Kalusugan award ay ibinibigay sa mga indibidwal at organisasyon na nagbahagi ng kanilang oras at panahon para maisulong ang bansa patungo sa pagkakaroon ng universal health care.