Bangkay ng German national na pinugutan ng Abu Sayyaf, natagpuan na

63

Natagpuan na ang katawan ng German national na pinugutan ng ulo ng bandidong Abu Sayyaf.

 

Ayon kay Col. Cirilito Sobejana, ang commander ng Joint Task Force Sulu, nagsasagawa sila ng search and retrieval operation nang matagpuan ang katawan ni Jurgen Katner dakong 5:45 ng hapon sa Sitio Talibang, Barangay Buanza, Indanan, Sulu.

 

Agad namang inutusan ang lokal na Scene of the crime Operatives (SOCO) na ipreserba ang nasabing crime scene at magsagawa ng isang post mortam examination sa mga labi ni Katner.

 

Dinala ang kanyang mga labi sa morge ng kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital upang maasikaso na ang mga kaukulang papeles nito at maibyahe paluwas ng Sulu.

 

Matatandaan kinidnap ng Abu Sayyaf sa kanyang yate noong nakaraang taong at humihingi ang bandidong grupo ng ransom na P30 milyong piso bago ito pugutan noong Pebrero 26.

Facebook Comments