Napatay na junior official sa bakbakan sa Bohol, binigyan ng parangal ni Pangulong Duterte

41

Manila, Philippines – Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Gold Cross Medal ang napatay na junior officer ng Armed Forces of the Philippines na si 2nd Lieutenant Estelito Saluda Jr. nang ito ay bumisita kanina sa burol ng sundalo sa Batangas kaninang madalinga araw.

Sa pagbisita ng Pangulo ay nag-abot din ito ng tulong sa mga magulang ni Saluda at tiniyak na ibibigay ng gobyerno ang benepisyong dapat nilang matanggap.

Si Saluda ay isa sa mga napatay sa pakikipagbakbakan sa Abu-Sayyaf sa ibanangga Bohol noong nakaraang Linggo.

Ang Gold Cross Medal naman ay ang ika-4 na pinakamataas na military medal na ibinibigay sa bansa.

Nation”

Facebook Comments