Palawan – Pinarangalan ng Dept. of Environment and Natural Resources ang napatay na Barangay Captain na si Ruben Arzaga ng El Nido Palawan na tumutulong sa Armed Forces of the Philippines at Phil National Police sa pagsugpo sa illegal logging.
Ang parangal na “Bayani ng Kalikasan” ay pinagkaloob ni DENR Secretary Roy A. Cimatu kasabay ng pagdalaw sa kanyang burol sa Palawan.
Si Arzaga, 49, na aktibong miyembro ng El Nido-Taytay Managed Resource Protected Area Management Board, ay nabaril at napatay ng mga umano’y illegal loggers sw Sitio Batbat, Villa Libertad noong September 14, 2017.
Ayon kay Cimatu, marapat lamang na saluduhan ang katulad ni Arzaga, bilang tagapagtanggol ng kalikasan.
Samantala ang mga suspek sa pagpatay ay arestado na.
Ayon sa DENR, si Arzaga na nagbibigay sa kalikasan ay isa lamang sa mga biktima ng pamamaril ng mga illegal loggers sa Palawan.