Napaulat na milyon-milyong overvotes na naitala sa nagdaang halalan, walang basehan — Comelec

Iginiit ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na walang basehan ang mga ulat na mayroon umanong 16 million overvotes na naitala para sa senatorial position, mga bilang na maaaring magbago sa resulta ng eleksyon.

Ayon kay Garcia, ang batayan sa pagproklama ng mga nanalong kandidato ay sa canvassing na isinasagawa ng National Board of Canvassers na alinsunod sa batas.

Ginawa ng Comelec ang pahayag kasunod ng tanong hinggil sa umano’y ulat sa website ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na may naitalang 16 milyong overvotes para sa senador.

Paliwanag ni Garcia, aalamin nila ang isyung ito dahil hindi umano alam ng Comelec kung saan at paano nakuha ang nasabing bilang ng overvotes.

Aniya, may kapangyarihan ang NAMFREL na kumuha ng kopya ng mga resibo sa 60 lugar para tiyakin kung tugma sa election returns.

Sinabi naman ni Garcia, na walang problema ang mga resibo at tugma naman ito sa mga election returns base sa kanilang natanggap na ulat.

Facebook Comments