Nadagdagan pa ang bilang ng mga kinukumpirmang nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Maring.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 13 na ang napaulat na namatay dahil sa bagyo.
Dalawa sa mga nasawi ay naitala sa Ilocos Sur, Isa sa Cagayan, apat sa Palawan at anim sa Benguet.
Bukod dito, may siyam din na napaulat na nawawala.
Lima rito ay sa Palawan, isa sa Ilocos Norte, isa sa Pangasinan at dalawa sa Benguet.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 53 flooding incidents at 14 na landslide.
Ang mga ito ay sa Region 1, MIMAROPA at CAR.
May kabuuang 6,111 na pamilya o katumbas ng 21,511 na inidbidwal naman ang apektado ng bagyo.
Facebook Comments