Manila, Philippines – Pinigil ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang limang teenagers na nagpanggap na adults at nagtangkang magtrabaho sa abroad.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, pawang mga menor de edad ang mga kababaihan at patungo sana sila ng Riyadh, Saudi Arabia.
Aniya, pawang palsipikado at tampered ang travel documents ng nasabing mga pasahero na hindi pinangalanan.
Nagduda ng immigration officers nang hindi magkakatugma ang sagot ng mga teenagers.
Agad silang ipinasa sa Inter-Agency Council Against Trafficking (I-ACT) para sa kaukulang imbestigasyon at assistance.
Facebook Comments