NAPIKON | Dalawang lalaki, sugatan matapos saksakin ng dahil sa pusta

Manila, Philippines – Sugatan ang dalawang lalaki matapos gulpihin at pagsasaksakin sa Kasiyahan Steet Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Kinilala ang mga biktimang sina Jay-Ar Legaspi at Jemar Bilaya Abang nadakip naman ang mga suspek na sina Carlito Alcover, Jason Alcover at Raymond Caing.

Sa ulat, nagtalo ang dalawang grupo nang hindi magbayad ng pusta ang mga suspek matapos matalo ng mga biktima sa larong bilyar.


Nauwi sa suntukan ang insidente hanggang sa pagsasasaksakin ang mga biktima kung saan agad silang naisugod sa East Avenue Medical Center.

Tinangka naman ng mga suspek na tumakas pero naharang sila ng mga rumespondeng pulis pagsapit sa Commonwealth Avenue.

Facebook Comments