NAPIKON | Lalaki, patay matapos saksakin sa Cebu

Mandaue City, Cebu – Patay ang isang pahinante ng truck matapos pagsasaksakin sa Mandaue City, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Wilrey Caputolan, 33-anyos na nagtamo ng mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Habang naaresto naman ang 38-anyos na suspek na si Adelito Bacus na lasing ng gawin ang krimen.


Una nang nagkasagutan ang biktima at suspek pero matapos ang ilang oras, sinugod ni Bacus si Caputolan sa bahay nito saka pinagsasaksak.

Sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng napikon si Bacus kay Caputolan dahil tinawag siyang bakla ng biktima.

Nahaharap ngayon sa kasong murder si Bacus.

Facebook Comments