TIMBOG | 15 Chinese, huli dahil sa illegal online gambling

9

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 15 turistang Chinese nationals na umano ay sangkot sa illegal online gambling operations sa Pampanga at Manila.

Kinilala ang mga suspek na sina Yu Shize, Lin Hai Yang, Li Jun Qing, Yu Wen Quian, Xiao Wen Lao, Cai Shui Rong, Lin Jingming, Ju Shi Lin, Qiu Zai Wei at Xiao Jian Ze na naaresto sa Angeles City.

Nahuli naman sa Malate sa Maynila sina Pan Jianbei, Pan Taiyuan, Jie Lu, Shengbo Zhang at Jian Lou Zhou.

Ang operasyon sa Pampanga ay isinagawa matapos matanggap ng NBI ang reklamo na mayroong nangyayaring illegal online gambling activity sa Angeles City subdivision.

Narekober sa mga suspek ang 13 desktop computers, 25 smartphones, 24 prepaid sim cards, isang router, isang WiFi connector at isang “brush machine.”

Habang nakuha naman ng operatiba sa tatlong units ng Alpha Grandview Condominium ang mga mobile WiFi, router, passport copies, one-time passport devices, smartphones, laptops at desktop computers.

Facebook Comments