NAPIKON | Lalaking panay ang hingi ng pera, kinasuhan ng kanyang mga magulang

England – Limang taong ban sa pagkontak o paglapit sa kanyang mga magulang ang isang 24-anyos na lalaki mula Southampton, England.

Napikon na kasi ang kanyang mga magulang sa umano ay maya’t mayang panghihingi nito ng pera.

Ayon sa mga magulang ni Matthew Kerley, nakakaranas na sila ng anxiety at stress dahil sa laging panghihingi nito sa kanila ng pera na ultimo pambili ng pang-ahit ay iniuungot pa.


May isang insidente pa nga raw na 30 beses na tumawag sa kanila ni Matthew sa loob lang isang araw at nagse-send pa ng mga text messages na tila nanunumbat.

Facebook Comments