Nueva Vizcaya – Dead on the spot ang isang magsasaka nang barilin ng kanyang inaanak sa kasal sa Villa Verde, Nueva Vizcaya.
Nakilala ang biktima na si Dominador Ganadin, 62-anyos habang ang suspek ay si John Vincent, 24-anyos, na kapwa residente sa nasabing lugar.
Sa ulat, nairita ang suspek dahil sa lakas ng boses ng biktima habang sila ay nag-iinuman kung saan kumuha ito ng airgun saka binaril sa batok ang kanyang ninong sa kasal.
Kusa naman sumuko ang suspek at todo pagsisisi sa kaniyang nagawa.
Facebook Comments