NAPILITAN? | Suspensyon sa dagdag excise tax sa langis sa susunod na taon, hindi sapat – Bayan

Manila, Philippines – Bagaman at nakatakdang suspendehin ng gobyerno ang dagdag excise tax sa langis pagsapit ng Enero 2019.

Hindi ito sapat para sa grupong Bagong Alyansang Makabayan.

Ayon sa Bayan tila napilitan lamang ang administrasyong Duterte na suspendehin ang excise tax sa langis dahil sa malawakang panawagan at disgusto ng mamamayan.


Pero ayon sa grupo hindi ito sapat dahil ang kailangang tugunan ng gobyerno ay ang walang tigil na pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa kasalukuyan.

Giit ng Bayan ang kailangang atupagin ay ang kasalukuyang mataas na presyo at alisin ang P7.00/liter na excise tax sa gasolina at P2.50 excise tax sa diesel.

Ito rin anila ang nagiging pabigat sa ngayon sa mamamayan at nararapat na agad tanggalin upang mabawasan ang hirap at pasakit sa taumbayan.

Facebook Comments