Napipintong pagpapalawig ng martial law sa Mindanao, labag sa konstitusyon?

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na labag sa konstitusyon ang planong pagpapalawig ng martial law sa buong Mindanao.

Ginawa ni Drilon ang pahayag makaraang irekomenda ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na palawigin ang batas militar sa Mindanao na magtatapos na ngayong December 31.

Diin ni Drilon, ang nabanggit na rekomendasyon ng AFP at PNP ay walang legal na basehan.


Paliwanag ni Drilon, malinaw ang nakasaad sa konstitusyon na maari lang basehan ng martial law ang pagkakaroon ng rebellion at invasion o pananakop na sa ngayon ay pawang hindi naman nangyayari.

Ayon kay Drilon, kahit walang martial law ay kaya namang isakatuparan ng AFP at PNP ang kanilang tungkulin at kapangyarihan gayundin ang pagbibigay ng proteksyon sa mga mamamayan sa Mindanao.

Facebook Comments