NAPOLCOM, ibibigay ang nararapat na kaso sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Kian Delos Santos kapag napatunayang mali ang naging aksyon ng mga ito

Manila, Philippines – Nangako ang National Police Commission (NAPOLCOM) na ibibigay nila ang nararapat na hustisya para sa pamilya ng 17 taong gulang na si Kian Delos Santos.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao, handa sila sa maaring ibigay na parusa sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng binatilyong biktima.

Sinabi rin ni Casurao na nakausap niya na ang pamilya ng biktima at dudunog ito sa kanilang himpilan para magsampa ng kaso sa mga pulis na nakapatay sa kanilang anak .


Tugon naman ni Casurao, kahit hindi man pumunta sa kanila ang mga ito ay gagawa pa rin sila ng aksyon sa kaso ni Kian.

Facebook Comments