Manila, Philippines – Ipinaalala ng National Police Commission na hindi pwedeng makialam ang mga pulis sa umiiral na barangay protection order.
Sabi ni Napolcom Vice Chairman Atty. Rogelio Casurao, posibleng maharap sa mga kasong administratibo ang mga pulis kung manghihimasok sila.
Hindi rin aniya naaayon sa batas ang paghikayat sa mga biktima ng violence against women and children na makipag-areglo na lang.
Ito ay matapos ireklamo ng isang babaeng biktima ng pang-aabuso ang isang police official na humikayat sa kanyang makipag-kasundo na lang sa kanyang mister.
DZXL558
Facebook Comments