Inanunsyo ng National Police Commission (NAPOLCOM) na magsasagawa sila ng Philippine National Police (PNP) entrance at promotional examinations sa buong bansa.
Ito ay matapos na matanggap ang clearance mula sa Department of Health (DOH) para makapagsagawa nito dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic.
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman and Executive Officer Vitaliano N. Aguirre II, lahat ng kukuha ng pagsusulit ay kailangang sumunod sa mga sumusunod na health standard measure.
Ito ay dapat 15 examinees lamang bawat room, uupo lamang sa upuang nakatalaga sa examinee, magdala ng 70 percent alcohol, magsuot ng face mask at face shield, at dapat ay magsumite ang lahat ng examinee ng health declaration form at medical certificate na isyu ng government physician.
Bukod dyan, kailangan din magbitbit ng sariling pen, lapis at erasers dahil ipagbabawal ang panghihiram nito, bawal din ang pagkukwentuhan, pagkakalat at pagkain sa loob ng testing centers, at sa huli sa paghawak ng examination materials kailangan ay may gloves.
Prayoridad na makakuha ng pagsusulit ang mga nag-apply para sa PNP entrance examinees noong April 26, 2020, PNP Promotional examinees noong April 26, 2020.
Gagawin ang police examinations sa July 31 at October 23, 2021 para sa PNP entrance examination, August 1 at October 24, 2021 para sa PNP promotional examination at September 12, 2021 para sa PESE written examination.