NAPOLCOM, tiniyak na mananagot sa batas ang pulis na nanggahasa ng asawa ng kumpare

Tiniyak ng National Police Commission (NAPOLCOM) na mananagot sa batas ang isang pulis ng Manila Police District (MPD) na inakusahan ng panggagahasa sa asawa ng kaniyang kumpare.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairperson at Executive Officer Rafael Calinisan, natuklasan lamang nilang AWOL na ang pulis na si Patrolman Joshua Semilla Mendoza, subalit hahabulin pa rin ito dahil nasa ilalim pa rin ng hurisdiksyon ng NAPOLCOM.

Ani Calinisan, kapag napatunayang ginahasa ni Mendoza ang 27-anyos na biktima, maaari itong matanggal sa serbisyo at panagutin alinsunod sa batas.

Facebook Comments