NAPOLCOM Vice Chairman Vitaliano Aguirre, nais na ring kanselahin ang 1992 DILG-UP Accord

Kung si National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairman Vitaliano Aguirre ang tatanungin, gusto niya na ring makansela ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at University of the Philippines (UP) Accord.

Ang NAPOLCOM ay attach agency ng DILG.

Ayon kay Aguirre, tama lang ang desisyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na pagkansela sa 1989 DND-UP Accord dahil ang mga agreement aniya na sa sobrang tagal na ay hindi na naaayon sa kasalukuyang sitwasyon.


Sa ngayon kasi aniya, hindi lingid sa lahat na may mga estudyante ng UP ang nare-recruit ng New People’s Army (NPA) para mamundok at humahantong sa pagkamatay sa engkwentro.

Kaya kung siya rin ang tatanungin ay dapat na ring ikansela ang DILG-UP Accord pero kinakailangan pa aniya nilang pag-usapan ito.

Facebook Comments