Kinumpirma ng National Police Commision na pumanaw na ang kanilang Vice Chairman at Executive officer na si Atty. Rogelio Casurao.
Kasunod nito, nagpaabot ng pakikiramay si Philippine National Police Spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana sa naiwang pamilya ni Casurao.
Inilarawan ni Usana ang yumaong si Atty. Casurao bilang isang lubos na iginagalang sa hanay ng Napolcom at sa Pambansang Pulisya.
Pumanaw si Casurao noong Enero 2 at sa ngayon ay wala pang inilalabas na detalye kaugnay sa magiging internment nito.
Bago maging Vice Chairman at Executive officer ng Napolcom, nagsilbi muna si Casurao bilang konsehal sa Calbayog City, sa probinsya ng Samar.
Naging chairman din si Casurao ng People’s Law Enforcement Board ng naturang lungsod at general legal counsel ng Philippine Councilors League.