Manila, Philippine – Naghain ng not guilty plea ang pork barrel scam queen na si Janet-Lim Napoles kaugnay pa rin sa patung-patong na kasong kinakaharap nito sa maanomalyang paggamit ng ilang mga pulitiko sa kanilang PDAF sa mga bogus na NGOs.
Sa pagbasa ng sakdal ay naghain ng not guilty plea si Napoles na nahaharap sa tig-3 bilang ng malversation at graft.
Itinakda ang preliminary conference para kay Napoles sa August 8, 2017.
Samantala, hindi naman natuloy ang pagbasa ng sakdal kay dating Davao Del Norte First District. Rep Ariel Olaño at ilang pang akusado na dating DBM officials.
Ito ay dahil hindi pa nareresolba ng korte ang motion for reconsideration na inihain ng dating kongresista.
Una na kasing ibinasura ng korte ang motion to quash na inihain ng kampo ni Olaño.
Muling itinakda ang pag basa ng sakdal kay olaño sa September 4, 2017.
Si Olaño ay nahaharap sa 3 counts ng graft, 3 counts malversation at 1 count ng bribery.
Batay sa case information na inihain ng Ombudsman, nagkaroon umano ng misappropriations sa p 8.5 million PDAF ni Olaño nang idaan ito sa 2 NGOs ni Napoles para sa implementasyon ng proyekto noong 2007 at tumanggap umano ang dating kongresista ng P3.175-m na kickback.