Peace and order sa Region-10, nananatiling mapayapa

Northern Mindanao – Mapayapa pa rin ang sitwasyon ng region 10 sa kabila ng martial law declaration at patuloy na hinihigpitan ng otoridad ang isinagawang mga checkpoints sa regional at provincial boundaries.

Base sa Police Regional Office Ten, mas hinigpitan nila ang pagbabantay sa mga checkpoint sa Iligan City, Bukidnon, Cagayan De Oro, Lanao Del Norte, Misamis Oriental, Misamis Occidental at Camiguin.

Samantala, sa kasalukuyan, aabot na sa higit apat na raang libo ang bilang ng mga nagsilikas mula Marawi City na nandito ngayon sa region 10.


Facebook Comments