NAPUKSA AGAD | Pagkalat ng bird flu sa Cabiao, Nueva Ecija, kaagad na napigilan

Nueva Ecija – Kumpirma ni Agriculture Secretary Manny Piñol na matagumpay na napigilan ang pagkalat ng bird flu sa Cabiao, Nueva Ecija.

Naiulat ang kaso ng bird flu sa isang manukan sa Cabiao dalawang Linggo na ang nakalipas.

Ayon kay Piñol agad isinagawa ang pagkatay sa 42,000 poultry matapos magpositibo sa pagsusuri ng Regional Animal Disease Detection Laboratory (RADDL).


Dagdag pa ng kalihim, hindi na magpapatupad ng containment and controlled zones dahil agad naman itong naaksyunan.

Sa ngayon, patuloy ang pagbabantay ng ahenya at magsasagawa pa rin ng mga random tests sa mga poultry farms na malapit sa apektadong lugar.

Facebook Comments