Wanted na magsasaka arestado

Isang magsasaka ang arestado makaraang madakip sa inilatag na operasiyon ng mga otoridad sa Purok 4, Brgy. Canaan sa bayan ng Antipas sa lalawigan ng North Cotabato.
Kinilala ang naarestong suspek na si Jerome Valdez Ortiga, 50 anyos ,may-asawa at residente ng Purok Santan, Brgy. Bang-Bang sa bayan ng Matalam. Nahaharap ang suspek sa kasong Attempted Homicide. Batay sa ni PO1 Michael Barcebal, imbestigador ng Matalam PNP namataan umano ng mga intel operatives ang presensiya ng suspek sa isang plantasiyon ng goma malapit sa kanilang bahay.
Ikinasa ang operasiyon laban sa suspek at tinungo ang lugar bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Jose Tabosares, ang acting Judge ng 2nd Municipal circuit Trial court Mlang at Matalam na may petsang Pebrero 18, 2015.
Hindi naman pumalag ang magsasaka matapos itong palibutan ng mga armadong operatiba at boluntaryong sumama. Sa ngayon, ang suspek ay nakapiit na sa Matalam PNP lock-up cell( Amer Sinsuat).

Facebook Comments