NAPUTUKAN! | 7 kaso ng Firecracker Related Injuries naitala sa Pangasinan

Naitala ang pitong kaso ng firecracker related injuries simula noong Disymbre 21-28 mas mababang bilang kumpara noong 2016 kung saan nakapagtala ang Pangasinan Provincial Health Office ng 15 related firecracker injuries.

Tatlo ang bkitima ng ipinagbabawal na boga o pvc cannon na nilalagyan ng acetone o paint thinner. Dalawang tao naman sa five star at dalawa sa triangle.

Mababa ng 53% ngayong taon kumpara noong taong 2016. Active di umano ang status ng pitong tao dahil nangyari ang insidente habang sinisindihan o hawak aang paputok.


Ayon sa tala ng PHO majority cases ay apektado ang kalalakihan, 8 taong gulang ang pinaka bata at 31 naman ang pinakamatandang apektado.

Naka red alert status na ang PHO para sa pagsalabong ng bagong taon.
Photo credited to www.kalusugan.ph
[image: Inline image 1]

Facebook Comments