NAPUTUKAN | Bilang ng mga firecrackers-related injuries, umabot na sa 72

Manila, Philippines – Tatlong araw bago ang Bagong Taon, umabot na sa 72 ang bilang ng fireworks-related injuries na naitala ng Department of Health.

Gayunman, 59 percent pa rin itong mas mababa kumpara sa average na bilang ng mga naputukan mula 2012 hanggang 2016 o 40 percent na mas mababa kumpara noong nakaraang taon.

Animnapu’t siyam sa kabuuang bilang ay lalaki na may edad 11 months old hanggang 62.


72 percent o katumbas ng 52 kaso ay nabiktima ng Piccolo at karamihan ay mula sa National Capital Region.

Facebook Comments