BITTER? | Christmas gift ni ex, hindi binuksan sa loob ng 47 years!

Canada – Kung excited ang iba sa pagbubukas ng regalo tuwing Pasko, isang Canadian man naman ang natiis na hindi buksan ang natanggap niyang Christmas gift sa loob ng 47 years!

Taong 1970 pa nang matanggap ni Adrian Pearce ng Edmonton, Canada ang regalo na bigay sa kanya noon ng kanyang first serious girlfriend na si Vicki.

Matapos daw kasing iabot ang regalo ay nakipag-break din si Vicki na ikinasama naman ng kanyang loob.


Dahil dito, nangako si Adrian sa kanyang sarili na hinding-hindi niya bubuksan ang regalo.

Hanggang sa nagkaroon na siya ng sarili niyang pamilya, taon-taon pa ring inilalagay ni Adrian ang regalo sa paanan ng kanilang Christmas tree tuwing Pasko.

Sa ngayon, nananatili pa ring mystery kung ano ang naturang regalo.

Plano niya raw itong buksan sa 50th anniversary ng pagtanggap niya sa regalo o magsagawa ng contest sa sinumang makakahula sa laman nito.

May registration fee para sa mga sasali at lahat ng makokolektang pera ay ido-donate naman niya sa charity.

Facebook Comments