Sintindi na tuwing “ber” months ang naranasang daloy ng trapikon kamakailan sa EDSA.
Batay sa pag-aaral ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) lumabas na ang average na bilis ng sasakyang bumaybay ng EDSA noong Hulyo ay 19.30 kilometro kada oras (kph) na malayo sa itinakdang speed limit sa EDSA na 60 kph.
Ayon kay MMDA Spokesperson Asec. Celine Pialago, ang galaw ng sasakyan sa EDSA sa ngayon ay katulad na tuwing “ber” months na 19.54 kph.
Sinabi pa ni Pialago na 10,000 sasakyan ang dumadagdag sa mga dumadaan sa EDSA kada buwan.
Sa higit 10 milyon rehistradong sasakyan sa Pilipinas, lumabas na isa sa bawat apat ay rehistrado sa National Capital Region.
Nabatid na ang maximum carrying capacity ng EDSA o bigat na kaya ng kalsada sa bawat oras at bawat direksiyon ay nasa 6,000 sasakyan lang.