Hanging amihan pa rin ang umiiral sa Northern Luzon habang nabawasan na ang lamig sa ibang bahagi ng bansa.
Kaugnay nito, makararanas ng pulo-pulong mahihinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region at mga lalawigan ng Isabela, Aurora at Quezon.
Localized thunderstorm naman ang magdadala ng isolated rainshower sa buong Visayas at Mindanao.
Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon mababa ang tiyansa ng pag-ulan.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila: 23 to 32 degrees celcius.
Facebook Comments