Nararanasang volcanic smog sa Bulkang Taal, maaaring magtagal hanggang sa susunod na linggo

Magtatagal pa hanggang sa susunod na linggo ang nararanasang volcanic smog sa Bulkang Taal.

Sinabi ni Mariton Bornas, ang hepe ng Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division ng PHIVOLCS na posibleng magtagal ang vog sa Taal hanggang September 26.

Paliwanag ni Bornas, mababa ang windspeed sa kalakhang Taal na nasa below 2 meters per second kung kaya’t namumuo ang volcanic sulfur dioxide sa ibabaw ng bulkan.


Nagpaalala naman ang PHIVOLCS sa posibleng banta ng vog sa kalusugan ng tao.

Aniya, ang long term exposure sa vog ay maaaring magdulot ng sakit sa baga lalo na para sa mga may sakit sa puso at asthma, senior citizens, at buntis.

Hinimok naman ni Bornas ang mga residente na apektado o nakakaranas ng vog sa Taal na manatili na lamang sa bahay at isarado ang mga bintana, kung hindi naman maiiwasang lumabas ng bahay ay magsuot ng N-95 mask.

Facebook Comments