MIAA, tiniyak na normal ang operasyon ng NAIA terminals sa harap ng Taal volcanic smog

Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) na normal ang flight operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals sa harap ng volcanic smog ng Taal Volcano.

Tiniyak naman ng MIAA na nakatutok sila sa sitwasyon at kapag lumala ito ay agad silang maglalabas ng abiso sa publiko.

Pinapayuhan naman ang mga pasahero at ang mga empleyado sa airport na naka-assign sa labas ng NAIA complex na magsuot ng face mask para maprotektahan ang kanilang kalusugan.


Sa ngayon, nananatiling walang kanseladong flights dahil sa volcanic smog.

Facebook Comments