Nararapat na budget para sa NCIP, ibibigay ng Senado

Manila, Philippines – Ibinalik ng Senate Committee on Finance ang P1.1b na 2018 propised budget para sa National Commission on Indigenous Peoples o NCIP.

Ito ay kahit 1,000 pesos lang ang pondo na inaprubahan ng Kamara para sa NCIP.

Pero bago isalang sa senate plenary ang budget ay hiniling ng komite sa NCIP na isumite ang dokumento ukol sa mga programa nitong tutugon sa kahirapan, at pagrepaso sa proyektong Philippine Indigenous People Ethnography na nagkakahalaga ng 641-million pesos.


Ayon kay Senator Juan Miguel Zubiri, dapat maipaliwanag na mabuti ang kahalagahan ng mga proyekto ng NCIP para maidepensa ang budget nito pagdating sa plenaryo at sa bicameral conference committee.

Katwiran naman ni Senator Win Gatchalian, sobrang laki ng budget ng NCIP kaya dapat matiyak na makatwiran ang mga programang pinaglalaanan nito.

Facebook Comments