Nais ng ahensya ng National Anti-Poverty Commission na tipunin ang mga plano at programa ng provincial government ng Pangasinan para sa mga mahihirap na pangasinense gaya ng sa kalusugan, edukasyon, pabahay, trabaho at sapat na pagkain.
Dito malalaman kung ano ba talaga ang pangangailangan ng mga mahihirap at ang kanilang nararapat na maibigay sa mga priority areas sa Pangasinan.
Ang pagtutok na ito ay base sa “Magna Carta of the Poor” o ang nilagdaang batas ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naglalayon na maingat ang antas ng kalidad ng buhay ng mga mahihirap at mabigyan ng oportunidad para sa pag-unlad at paglago ng kanilang pamumuhay.
Lubos naman ang pasasalamat ng gobernador ng Pangasinan sa kooperasyon at suporta sa kanilang ahensya.
Aniya, makakaasa ang pamahalaang panlalawigan sa tuloy-tuloy na pagtugon at tulong upang mapababa ang poverty situation sa probinsya. |ifmnews
Facebook Comments