Narcopoliticians na sangkot sa vote buying, hindi dapat iboto

Manila, Philippines – Nanawagan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko na huwag iboto ang mga narcopolitician na sangkot sa vote-buying ngayong nalalapit na midterm elections.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino – ang mga perang gagamitin ng mga ito sa pagbili ng mga boto ay maaring nagmula sa illegal drug trade.

Iginiit pa ni Aquino – na magdudusa lang muli ang publiko kapag ibinalik muli ang mga ito sa posisyon.


Dagdag pa ng PDEA chief, kapag hinalal muli ang mga ito ay magiging pahirap lang sa mga awtoridad sa pagpapatupad ng crackdown laban sa ilegal na droga.

Aniya, ang partisipasyon ng pulitika sa drug activities ay mula sa pagkakanlong ng mga drug users at drug lords.

Apela ng PDEA sa mga botante na hindi dapat iboto ang mga pulitikong sangkot sa krimen, ilegal na droga at korapsyon.

Facebook Comments