NAREKOBER | 2 CPP-NPA Anniversary venue sa Bukidnon at Agusan del Sur, nakubkob

Nakubkob ng Army Scout Rangers ang dalawang kampo ng NPA sa Bukidnon at Agusan del Sur na inihahanda ng mga komunista bilang pagdarausan ng kanilang 50th Anniversary celebration.

Ayon Kay Colonel Edgardo De Leon, Commander ng 403rd Peacemaker Brigade, malaking accomplishment ng mga Scout Rangers ang dalawang magkasunod na tagumpay.

Ang unang kampo na may sukat na 20 by 300 meters may multipurpose hall at generator, na nakubkob ng mga Scout Rangers noong Biyernes, makaraang makaenkwentro at maitaboy ang 40 armadong NPA.


Kinabukasan, nakaengkwentro at naitaboy muli ng Scout Rangers ang kaparehong grupo ng NPA sa isang mas malaking kampo na may sukat na 200 by 400 meters ilang kilometro lang ang layo mula sa unang kampo.

Ang pangalawang kampo ay may mga kubo na nagsisilbing “billeting facilities” para sa 100 katao, at narekober ng militar sa lugar ang isang rifle grenade, samu’t saring mga bala, sangkap na panggawa ng bomba, medical kits at mga personal belongings ng NPA.

Facebook Comments