NAREKOBER | Bangkay ng isang dalagita, nakitang palutang-lutang

37

Natagpuang palutang–lutang ang isang bangkay ng dalagita sa Pasig river kaninang ng umaga.

Narekober ang bangkay ng dalaga sa ilalim ng Javier bridge sa bahagi ng Marikina river sa Barangay Maybunga, Pasig City.

Pinaniniwalaang inanod lamang ang bangkay papunta sa bahagi ng Ilog Pasig sa Pasig City area galing sa Marikina City.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.

Facebook Comments