Clearing operation sa hagupit ng hurricane Florence sa North Carolina, ikinasa!

19

North Carolina – Patuloy ang clearing operation sa mga kalsada kasunod ng pananalasa ng hurricane Florence sa North Carolina.

Pinutol na ang ilang punong-kahoy na humambalang sa mga daan para muli na itong madaanan.

Una nang naiulat na isang mag-ina ang patay sa Wilmington City matapos madaganan ng puno ang kanilang bahay.

Sa ngayon halos 600,000 tahanan ang wala pa ring supply ng kuryente sa iba’t-ibang bahagi ng US state.

Patuloy rin ang rescue operations ang mga otoridad sa ilang hindi lumikas sa kabila ng mandatory evacuation.

May ilang bahagi pa rin daw sa southeast coast ang baha dahil sa storm surge.

Facebook Comments