Mountain Province – Nakubkob ng tropa ng 81st Infantry Battalion ng Philippine Army ang kampo ng New Peoples Army (NPA) sa bahagi ng Baseo Mountain Province kamakailan.
Ayon kay Lieutenant Colonel Isagani Nato ang tagapagsalita ng AFP Northern Luzon Command ang narekober na kampo ng military ay may kakayang mag-accommodate ng 30 indibidwal na nagsisilbing clinic ng mga terorista sa lugar.
Nakuha nila sa abandonadong kampo ng NPA ang Nipa hut, blasting caps at gauze pads.
Tiniyak naman ng pamunuan ng NOLCOM na patuloy ang kanilang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Local Government Units (LGUs) at iba pang stakeholders upang mapanatili ang kapayapaan sa lugar sa kabila ng mga tangkang panggugulo ng mga makakaliwang grupo.
Siniguro rin ng NOLCOM na hindi titigil ang kanilang hanay sa pagtugis sa mga nangugulong NPA kasabay rin ng paghikayat sa mga itong magbalik loob sa pamahalaan.