Narekober na Bangkang de Motor ng NPA, Idinonate sa mga Mag-aaral!

Cauayan City, Isabela- Idinonate sa mga mag-aaral ng Brgy. Dibuluan, San Mariano, Isabela ang isang bangkang de motor na dating pagmamay-ari ng mga New People’s Army (NPA) na narekober ng 95th Infantry Battalion, 5th ID, Philippine Army.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Staff Sergeant Jake Lopez ng 502nd Infantry Brigade, kinumpuni at pinaganda mismo ito ng mga kasundaluhan at itinurn-over sa mga barangay officials ng Dibuluan sa pangunguna ng Battalion Commander na si Lt. Col. Gladiuz Calilan upang may magamit ang mga mag-aaral patungo sa kanilang eskwelahan.

 

Nabatid na ang nasabing motorized banca ay gagamitin sana ng mga NPA noong Pebrero ng taong 2019 upang sunugin ang Bio-ethanol plant sa bayan ng San Mariano subalit napigilan ito ng mga kasundaluhan.


 

Tiniyak naman ng mga opisyal ng Dibuluan ang kaligtasan ng bawat mag-aaral na sasakay sa naturang bangka.

Facebook Comments