Manila, Philippines – Umaabot na sa mahigit isang libong mga kaso ng pagpatay na patuloy na iniimbestigahan o itong Homicide cases under investigation ang naresolba na ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Supt. Vimelee Madrid, sampung libong homicide cases under investigation ang naitatala ng PNP at mahigit sa isang libo ditto ay solved na.
Sa mahigit isang libong kaso na naresolba ng PNP, pagnanakaw, personal grudge, at pagpatay na may kinalaman sa droga ang motibo.
Aniya ang bilang na ito ay mula sa katatapos lamang na oversight committee meeting.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa iba pang homicide cases.
Facebook Comments