NARRA TREE PLANTING, ISINAGAWA SA SAN MARIANO, ISABELA

Maagang tumungo ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kahapon, June 14, 2022 upang magsagawa ng Tree Planting Activity sa Dibuluan Elementary School, Brgy. Dibuluan, San Mariano, Isabela.

Pinangunahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Isabela ang aktibidad sa pangunguna ni Superintendent Edwin Madarang katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng San Mariano.

Nakiisa rin sa aktibidad ang nasa kabuuang 48 na trainees ng Shielded Metal Arc Welding NC II at Bread Making ng Isabela Provincial Training Center (IPTC) at bilang pagtugon na rin sa mandato ng NTF-ELCAC para sa programang Poverty Reduction, Livelihood, and Employment Cluster (PRLEC) maging sa National Greening Program ng DENR.

Nagtanim ng Narra tree seedlings sa palibot ng nasabing paaralan ang mga dumalo na layuning palaguin at paramihin ang mga punong-kahoy sa kapaligiran.

Samantala, nagpakita rin ng suporta sina Lt Rodel Bunao ng 95th IB; LGOO II Geovanni Rosas ng DILG Isabela; Mark Anthony Robles ng DAR San Mariano; Divine Acoba ng NCIP San Mariano; Leigh Nadine Go Elducal ng Negosyo Centre San Mariano; CENRO Naguilian; at ang mga Barangay Officials sa pamumuno ni Brgy. Captain Cesar Oliva.

Facebook Comments