Nasa ₱42-M na smuggled na bigas, nasabat ng BOC sa Zamboanga City

Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Zamboanga ang nasa ₱42 million na halaga ng mga smuggled na bigas sa isang bodega sa Brgy. San Jose, Gusu, Zamboanga City.

Nadiskubre ng Customs ang mga smuggled na bigas matapos matapos makatanggap ng impormasyon na may mga smuggled na bigas na nasa 42,180 sako ng Alas Jasmine Fragrant Rice.

Ayon sa BOC, nakapagsumite naman ng import documents ang kinatawan ng may-ari ng nasabing bodega, alinsunod sa Scetion 224 ng “Customs Modernization and Tariff Act” (CMTA).


Pero noong sinuri ang mga dokumentong isinumite ay napag-alamang hindi sakop ng requisite Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) mula sa Bureau of Plant Industry ang mga nasabing bigas.

Maliban dito, may mga pagkakaiba sa aktwal na nasamsam na mga kalakal mula sa kung ano ang idineklara sa mga dokumentong ipinakita.

Ang mga isinumiteng patunay ng pagbabayad ay tumutukoy sa isang kargamento ng “White Rice 15% Broken”, habang batay sa aktwal na pagsusuri, ang mga nasabat na sako ng bigas ay “Jasmine Fragrant Rice”.

Facebook Comments