Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang ₱6 milyong halaga ng iligal na droga sa Port of Clark sa Pampanga.
Ang mga nasabing iligal na droga ay nakalagay sa loob ng travel mugs na tinatayang nasa 962 grams ang bigat.
Sa rekord ng BOC, Marso 11, 2022 ng dumating sa bansa ang shipment mula sa Johannesburg, South Africa at nang isalang sa x-ray, dito na nakita ang apat na piraso ng Contigo Travel Mugs na naglalaman ng shabu.
Isinailalim ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng BOC Clark personnel sa pagsusuri ang kargamento kung saan positibong nakumpirma na iligal na droga ang laman ng mga nasabing mugs.
Inaalam na ngayon kung sino ang consignee ng naturang kargamento at kung paano ito nakarating sa Port of Clark.
Facebook Comments